Sunday, 17 May 2015

Entry #2: Being Contended

I would like to start this post by this quote I have read in my twitter account. "My life is not perfect but i'm thankful for everything that I have." Actually minsan nafefeel ko na hindi ako kuntento halimbawa na lang sa mga damit na mayroon ako kasi may mga times na kahit madami akong damit eh parang kulang pa rin kasi hindi ko feel suotin yung mga clothes na mayroon naman ako, pero after ko mabasa yung quote napaisip ako, how many teenagers like me have the same amount of clothes that I have? eh kung tutuusin I am very lucky to have the clothes that I want. so parang na guilty naman ako kasi parang nagiging greedy na ako, and actually hindi siya masarap sa feelings considering that I am already 18 at dapat nasa middle stage na ng maturity. so I am hoping na sana after this year ay mabago ko yung ganun klaseng attitude and maging palaging greatful sa mga bagay na mayroon ako :)

P.S sana walang magalit sa shinare ko ngayon hehehe...
your author
Jhoanna :)

Monday, 11 May 2015

Entry #1: Introduction

Hello there!
I'm Jhoanna, 18 years old at nagaaral ako sa National U 😄
Kung sino ka mang nagbabasa nito ay marahil nakita mo ang link sa Instagram account ko, o kung hindi naman ay isa ka sa mga kaibigan ko na marahil ay nakita din ito sa Instagran ko at malamang natatawa na dahil sa mga sinasabi ko hehehe... pero kahit ganun gusto ko pa ring mag thank you sayo dahil nagbigay ka ng iyong oras para basahin ang aking karanasan para sa araw na ito. 💜💜💜

Bakit ko nga ba naisipang gumawa ng ganitong klaseng blog? pwede namang sa isang diary notebook ko na ilagay o hindi kaya ay ikwento ko na lang sa nanay ko.
Ang sagot ay hindi ko rin alam, dati nung high school ako nagtry na rin akong blog tungkol sa fashion/ style dahil nainspire ako sa paborito kong style blogger na sina Vern & Verniece Enciso, pero dumating yung time na narealize ko na hindi naman pala para sa akin ang ganoon dahil hindi naman ako ganun kagaling mag mix & match ng mga damit at kulay, kung kaya tinigilan ko na lang kasi masyado nang trying hard eh hehehe... pero ngayon gusto kong gumawa ng blog na naglalaman ng mga karanasan ko na maaaring nararasan mo ring nagbabasa nito at nararamdaman mong may kapareho ka pala ng nararanasan at normal kang tao dahil pareho tayo ng nararanasan o kaya naman ay nararadaman. Gusto ko din simulan ito dahil gusto kong magkaroon ng diary pero dahil tamad akong magsulat sa papel at burara akong tao ay dito ko na lang ginawa dahil gusto ko kapag lumipas ang mga buwan ay maaari kong balikan yung mga panahon na pinagdaanan ko. Yan ang mga dahilan na pwede kong isagot sa tanong mo at tanong ko rin sa sarili ko, unti unti masasagot ko rin yang tanong na yan at sana wag kang magsawa na basahin ang mga entry ko. Salamat! 😄😄😄



Salamat sa pagbabasa!
Ang author:
Jhoanna 😄